el mafioso

Todo es solo para el Don

Wednesday, June 08, 2005

Long Time No Post

Nagpost lang ako dahil may mensahe akong natanggap na matatanggal na raw ang blog ko. Wala talaga akong maisip na maisulat na interesante sa ngayon. Ah, oo nga pala. Nanood ako ng La Visa Loca kahapon para lang mmaalis ang kabagutan. Siyempre, mag-isa lang ako dahil wala naman akong syota na pwdeng mayayaya. Isa sa mga rason ko para manood ng sine ay tingnan kung may trailer na ang 4th movie installment ng Harry Potter. Wala pa pala. Aliw naman ang pelikula lalo na ang "moving chorus" nina Noel Trinidad, Tessie Tomas, Ate Isay, Robert Sena at Marissa Sanchez. Gustung-gusto kong manood sa French Film Festival kaya lang ay nalalayuan ako sa Greenbelt. Sana sa Shangri-La na lang sila nagpapalabas.Hindi ko pa rin lubusang mamaster ang pagba-blog. Pinag-aaralan ko ang pagpost ng mga litrato, pero nasasayangan kasi ako sa renta ko dito sa computer shop. Mamaya pala ay magba-badminton kami ng mga kaibigan ko noong college.

3 Comments:

  • At 10:13 AM, Blogger art said…

    hindi ako familiar sa movie. pero maganda pa ring abangan. P50 ata ang entrance fee sa French Film Festival.

     
  • At 7:18 PM, Blogger jenny said…

    dapat sinabi mo sa akin na gusto mo magfrench filmfest. sinamahan sana kita. nakanood ako one weekend. mejo di maganda ang selection nila this year

     
  • At 2:57 AM, Anonymous Anonymous said…

    Who knows where to download XRumer 5.0 Palladium?
    Help, please. All recommend this program to effectively advertise on the Internet, this is the best program!

     

Post a Comment

<< Home